Jun 29 2009

Babay Blogspot Philippines

Bawal pala e register ang mahiwagang domain na to. So, babay na blogspot.ph. Farewell. RIP. Huhuhu.


Jun 27 2009

Google Apps doesn’t support .PH domains

google apps for dot ph
Google Apps doesn’t support .PH domains. Yep yep! Opo… ngayon ko lang din nalaman na hindi pa pala pwede sa Google Apps ang .PH domains. Sana someday e allow na nila ang .PH domains for Google Apps, para may unlimited e-mails at mail space na din for .PH domains.

Pero sa ngayon, hindi pa talaga pwede. Tinry ko na ng sampung beses, ayaw talaga mag pa add.. Try ko ulit bukas kung pwede. At sa susunod na bukas. Kung ayaw parin, malas lang talaga me. Kung pwede, ehdi swerte me. Yun lang po. Maraming Salamat sa pagbasa. Hehe


Jun 27 2009

Payment Issued na Pala

Hindi ko alam na payment issued na pala, at after 24 hours ko pa nalaman na issued na pala ang Payment. Yes! Issued na ang payment at payment issued na at may pangkain na ulit ako sa susunod na buwan. Mabubuhay ulit ako sa planetang Earth ng another month! Yes! ang saya!

Bibili na ako ng kotse, bahay at lupa, cash!

Joke lang. Hehehe…


Jun 25 2009

Nag Pagupit na Ako

Waaa.. ayaw ko ng bago kong gupit. Gusto ko ipa ulit kasi parang ang pangit pangit ng buhok ko. Pero ok na, maikli na. Hehe. Balak kong ipa ulit ito sa ibang barbershop. Di ko na gustuhan ang gupit ni Nards ng Bruno’s Barbers sa Glorietta 3. Huhuhu. Nagbigay pa ako ng tip. Di ko napansin na pangit pala gupit ko, kasi binasa nya yung buhok ko. Parang ok naman nung nasa barbershop pa, pero pag dating ko sa bahay, pumangit na bigla. Huhuhu.
pagupit

Wala na akong sasabihin, kasi yun lang ang sasabihin ko. Nagpa gupit ako. Anong paki nyo diba? Buhok ko naman to. So dapat hindi ko nalang binlog kasi walang may paki alam. Kasi buhok ko to, hindi nyo to buhok. Itong buhok na to ay tumubo sa ulo ko kahit hindi ko dini diligan. Basta kusa nalang syang tumubo. After 1 year, nag pa gupit ako, at naputol na akong pina tubo ko kasi nga nag pa gupit ako.

Yun lang po. Huwag nyo nalang tong basahin kung sino ka man at kung binabasa mo to. Parang awa mo na, tigilan mo na ang pag basa ng blog na to kasi personal to. Personal na ginawa kong public. Kasi ayaw ko personal na naka tago. Para kahit saan ako mag browse ng internet, makikita ko ang blog na to kahit hindi ako mag login. Owkay? hehe

Yun lang po.. shuuu shuuu! alis! Paki click ng X sa upper right corner ng browser mo. Salamat!