Aug 9 2009

Ang Galing!

Tapos na ang awards night ng Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009! At hindi nag top 1 ang Patay Gutom. Pero ok lang, top 1 naman ang kaibigan kong si Jan. Kaya parang nanalo nag top 1 na din ang Patay Gutom. Masaya din during awards night kasi marami akong nakilalang bagong bloggers na online ko lang nakaka usap. Pati si Frustrated Sosyalera, na meet ko na din for the first time.

Di ko na ma alala lahat ng pangalan ng bloggers, kasi sobrang dami nila. Marami din ako naging bagong kaibigan, kasi bago silang lahat at hindi sila luma. Basta yun lang ang masasabi ko. Masaya at ang Galing!


Aug 9 2009

Bear Brand with Ginseng

Ako ay umiinon ngayon ng Bear Brand with Ginseng. Masarap siya at malasa. Hindi ito isang tipikal na bear brand. Ibang klaseng gatas siya. Basta masarap siya. Kung hindi pa kayo naka tikim ng ganitong klaseng bear brand, tikman niyo na. Mabibili po to sa lahat ng 7-11 outlets sa Metro Manila.

Hindi po ito paid post ah… Nasarapan lang talaga ako sa Bear Brand with Ginseng kaya binlog ko siya.

O siya, aalis na ako, maraming salamat sa pag basa!