Sep
23
2009

Finally! dumating na rin ang pinaka unang item na inorder ko sa Apple Store Philippines! At ang masaya ay hindi na ako nag bayad ng tax sa customs pag dating ng inorder ko. Hindi tulad ng binili ko sa HP.com dati, may 50 tax na… 50% ng worth ng binili kong item ang binayad ko sa mga hampas lupang taga customs. Pero yung first order ko sa HP.com walang bayad. Try ko ulit mag order sa Apple for the second time if sisingilin na ako ng customs. Pero sa palagay ko, wala naman silang isisingil, kasi hindi naman nilalagay ng Apple ang receipt sa package. Ini e-mail ng Apple ang receipt. Kaya wais at astig ang Apple! Continue reading
5 comments | tags: Apple, Apple Store, DHL, International Delivery, iPod | posted in Shopping
Sep
20
2009
Yan.. yan ang plate number ng MGE na taxi na hindi nag pa sakay sa akin. Alam kong wala akong magagawa, kasi pa iba iba naman driver ng MGE taxi cabs. At kahit na e report ko yan, wala namang mangyayari. Hindi naman kasalan ng Taxi kasi Taxi lang siya at wala siyang isip. Kasalanan ng driver na nag mamaneho ng taxi. Pero hindi ko naman nakuha ang pangalan ng driver na nag mamaneho ng taxi, kaya wala akong magagawa.
Binlog ko lang to para wala lang. Gusto ko lang malaman niyo na mainit ang ulo ko dyan sa TXT 176 na MGE Taxi. Sabi pa ng MGE na we’ll take you anywhere, at wala silang reklamo, eh ang lapit lang ng pupuntahan ko, ni reject pa ako. Kasi iba daw route niya. Amfness.. Grrrrrrrrr…
1 comment | tags: Cab, Rants, Taxi
Sep
20
2009
Libre na sana ang halos lahat ng libro na basahin online pero tumutol ang US Justice Department sa plano ng Google na e publish ang mga libro, lalong lalo na ang mga librong lumang luma at hindi na natin nababasa. Wala lang gusto ko lang e share. Hehe.
Yun lang po ang gusto kong e share ngayon araw. Bukas ulit! or next bukas! Yahooo!
no comments | tags: Books, Google, US Justice Department | posted in Educational, Personal
Sep
19
2009
Ang hirap pala! Kapag… alam mo na. Di ko na sasabihin, kasi alam ko na alam mo. Pero paano? Alam kong hindi pwede, pero kung gugustuhin ko naman, pwede naman. Pero dapat tingnan ko muna anong mangyayari at dapat iisipin ko muna ng mabuti kung ano ang magiging desisyon ko at kung anong mangyayari kapag nakapag desisyon na ako. Kelangan ko ba panindigan ang aking mga sinabi dati habang sinasaksak ng karayom ang aking sarili? Kelangan ko pa bang mag sayang ng oras sa landas na alam ko namang hindi ako sasaya? Kelangan ko pa ba to o hindi na?

Mahirap. Talagang mahirap. Hindi ko maintindihan, pero kelangan kong intindihin. Kelangan ko pilitin at kelangan kong idiin sa aking sarili kahit akoy nasasaktan. Marahil eto na wa ang aking kapalaran. Kelangan ko tong tahakin at harapin. Kung ano mang yari, kelangan kong mag tiis. Lumindol man o bumagyo, gumuho man ang mundo. Hindi dapat ako bibitaw, pero masaya ba ako sa hindi ko pag bitaw? O masaya ako sa bagong landas na nasa harap ko pero hindi ako makalakad dito sapagkat pinilipilit ko sa aking sarili na dapat gawin at panindigan ko ang mga dapat kong panindigan…
Paano?
6 comments | tags: Choices, Decisions, Endeavor, How, Needs, Stuggles, Wants