Nov
16
2009
Di ko alam kung bakit. Pero pinapahirapan ko lang talaga sarili ko. Hmmmmmm.. Pwede ko naman hindi gawing advance ang relo ko, pero ginawa ko syang advance. Tapos iniisip ko ngayon kung ilang minutes ang advance. Katulad ng oras ko sa cellphone, 45 minutes siya na advance. So kung 1:45AM na, iniisip ko na 1:00 AM pa, kasi advance siya ng 45 minutes. So mag maminus pa ako ng 45 minutes para malaman ang totoong oras. Sooo.. So so so..? Ang dami kong so. amf.. So… useless ang pag advance ko ng 45 minutes kung alam ko naman na advance siya ng 45 minutes. Hindi parin ako mag mamadali kasi alam ko ilang minuto siya advance.
So bat kaya maraming tao ang nag a advance ng relo nila? or baka ako lang. Hmmm. Ikaw advance ba ang relo mo? Tapos mina minus mo kung ilan ang advance para malaman mo ang tamang oras? Kung katulad ko ikaw, wala tayong magagawa. Pero pag hindi ko ikaw katulad, ako lng ata ang may topak na pinapahirapan ang sarili ko. waaaaaaaaaah!
5 comments | tags: Clock, Minutes, Time
Nov
13
2009
Ang saya, hindi ko akalain na nanalo kami! Oo nanalo kami. Nanalo ang Patay Gutom sa Digital Filipino Web Awards for Best Food Blog at My Brute Cheats para sa Best Gaming Blog! Astig! Super duper astig!
Pati kay Flair Candy! Congrats din for winning the Best Blog, Personal Category! Yahooooooooooo! Astig! I’m so proud of you dude!
2 comments | tags: Digital Filipino, My Brute Cheats, Patay Gutom, Web Awards
Nov
12
2009
Di ko akalain na ang swerte ko pala. Nung una, iniisip ko na ang malas malas ko kasi basta… hindi ko alam kung sasabihin ko or hindi, pero malas ang tingin ko sa sarili ko. Iniisip ko na buti pa yung iba may magandang trabaho ang kanilang mga magulang, ako wala. 19 years old pa lang ako nanghihingi na ng pera ang mga magulang ko sa akin at tumutulong na ako sa pagbayad ng mga utang nila.
Minsan iniisip ko dapat hindi ko na sila bigyan kasi pera ko to eh at dapat hindi ko sila responsibilidad. Hindi naman talaga pero di ko naman sila kayang pabayaan ng ganyan. Pinalaki naman nila ako at pinag aral so ngayon turn ko na siguro para gawin yung ginawa nila dati sa akin.
Hiwalay ang tatay at nanay ko at lagi sila walang pera. Iniisip ko na napaka malas ko naman sana super yaman nalang ng mga magulang ko at sana hindi ako magkaka problema sa pera. Pero swerte pala ako kasi sila nanghihingi sa akin. Hindi ko na kelangan mag pa alam pa kung saan ako pupunta, wala silang paki alam kung anong gusto kong gawin at kung anong gusto kong bilhin. Kasi yung pera ko ay pera ko. Ganun pala yun. Hmmmmmm.. Kung sa kanila galing yung pera ko ngayon, palagi siguro akong pinapagalitan at pinag sasabihan at hindi papayagan kung san ko man gusto pumunta.
Kaya swerte parin ako kahit ganito ang kalagayan ko at kalagayan ng mga magulang ko. Ang saya pala ng buhay kahit papano.
1 comment | tags: Lucky, Money Matters
Nov
12
2009
Grabe naman, kaka update ko lang sa WordPress 2.8.5, pag refresh ko may WordPress 2.8.6 na kaagad. Ang bilis talaga ng panahon at ang bilis ng oras. Yung main blog ko hindi ko pa na u update, 3x na ata nag update ang WordPress. Kelangan ko nang ma update yun kaso nahihirapan ako mag isip ng ma e popost doon. Ewan ko bakit mahirap pero dapat madali lang eh. Wala lang akong maisip na mai post kaya dito nalnag ako mag popost. hehehe
no comments | tags: Wordpress