Akala ko malas ako pero swerte pala
Di ko akalain na ang swerte ko pala. Nung una, iniisip ko na ang malas malas ko kasi basta… hindi ko alam kung sasabihin ko or hindi, pero malas ang tingin ko sa sarili ko. Iniisip ko na buti pa yung iba may magandang trabaho ang kanilang mga magulang, ako wala. 19 years old pa lang ako nanghihingi na ng pera ang mga magulang ko sa akin at tumutulong na ako sa pagbayad ng mga utang nila.
Minsan iniisip ko dapat hindi ko na sila bigyan kasi pera ko to eh at dapat hindi ko sila responsibilidad. Hindi naman talaga pero di ko naman sila kayang pabayaan ng ganyan. Pinalaki naman nila ako at pinag aral so ngayon turn ko na siguro para gawin yung ginawa nila dati sa akin.
Hiwalay ang tatay at nanay ko at lagi sila walang pera. Iniisip ko na napaka malas ko naman sana super yaman nalang ng mga magulang ko at sana hindi ako magkaka problema sa pera. Pero swerte pala ako kasi sila nanghihingi sa akin. Hindi ko na kelangan mag pa alam pa kung saan ako pupunta, wala silang paki alam kung anong gusto kong gawin at kung anong gusto kong bilhin. Kasi yung pera ko ay pera ko. Ganun pala yun. Hmmmmmm.. Kung sa kanila galing yung pera ko ngayon, palagi siguro akong pinapagalitan at pinag sasabihan at hindi papayagan kung san ko man gusto pumunta.
Kaya swerte parin ako kahit ganito ang kalagayan ko at kalagayan ng mga magulang ko. Ang saya pala ng buhay kahit papano.

November 13th, 2009 at 2:02 pm
Oo ang swerte mo nga, pero mas swerte sila kasi nagkaroon sila ng unico hijo na tulad mo. Biruin mo, isa lang beybi nila pero lumaking matino at mapagmahal. Mas maswerte sila na andyan ka. Sana yung magiging beybi mo sa future kasing bait mo rin… pero sana hindi alaskador hehehe