Ang Pera ay Parang Tubig
Oo nga naman, tama ang sinabi ng isang psychic sa akin. Ang pera daw sa akin ay parang tubig. Hmmmmm… At marami daw akong tinutulungan. Damn, paano nya kaya nalaman yun? Baka sinwerte lang siya? Or baka naka chamba lang siya? Hindi talaga ako naniniwala sa mga psychic, pero tumumpak ang psychic na to.
Sa nakalipas na apat na buwan, ang average monthly expenses ko ay umabot sa 500k pesos (around 12k USD sa palitan ngayon). Credit card bills ko pa lang ay nasa 250k pesos na buwan buwan. Isali mo pa yung mga ibang gastos na hindi importante. Kaya ang tubig ay parang pera kay jehzeel kasi masyadong magastos si jehzeel. Buti may na save pa ako kahit konti. Sana mula sa buwan na to, makaka save na ako ng more than 50% ng income ko, at within this year, makaka save ako ng 90% ng income ko. Hmmmmmmm…
Kayanin ko kaya? Hindi ko alam, pero baka kayanin… Sana kayanin! Woooooooot!
