Blu-ray Price tags in FullyBooked are fake!

Mag ingat sa mga price tag sa fully booked, kasi ito ay mapag linlang. Bumili ako nung isang araw (August 19, 2009) ng isang Blu-ray disc sa FB. At ayon sa price tag, ito po ay nagkaka halagang 1,500 Pesos lang. Pero pag scan ng cashier sa bar code, ang naka lagay sa database nila ay 1,800 pesos. Kaya tumawag ang cashier sa kataas-taasan para e kumpirma ang binili ko at kung ano talaga ang presyo neto.

bluray-disc

After nyang tumawag ay nalaman nya din ang tunay na presyo. Ang lahat ng blu-ray discs nila ay 1.8k pala! Hindi 1.5k! Lahat ng blu-ray discs sa 4th floor ng Fully Booked, Bonifacio High Street, Taguig, ay nag kaka halagang 1,500 Pesos! Pero ang totoo, ito po ay 1,800 pesos na! Tumaas at hindi sila nag palit ng price tags ng lahat ng Blu-ray discs nila.

Nakaka inis pero binili ko parin yung Blu-ray disc kasi gusto kong bilhin. Nag sorry naman si Miss cashier kaya ok lang sa akin. At tinanong if bibilhin ko parin yung Blu-ray disc kahit na tumaas ng 300 ang presyo at hindi sila nag update ng price tag.

Ang sabi ko nalang ay oo, bibilhin ko. Ok lang po (pero sa loob loob ko, naiinis na ako pero ayaw ko ng scandalo at ayaw ko makipag away sa harap ng publiko, kaya binili ko nalang din). Kasi kung aawayin ko, saan ako patungo? Sa manager? At makikipag away din at mag insist na 1,500 lang? After ilang oras ko makukuha na 1,500 lang? Baka abutin pa ako ng gabi doon sa kaka explain para ma save ang 300 pesos. So huwag nalang no, mag sasayang lang ako ng oras sa 300 pesos.

Sana next time e update nyo nalang ang price tags nyo! Sa mga taga fully booked staff na nakaka basa neto or employees, mag trabaho naman kayo at mag palit ng price tag. Baka may bumili ulit na customer at malinlang ulit sa presyo ng mga bini benta nyo. oK?!?!


One Response to “Blu-ray Price tags in FullyBooked are fake!”

Leave a Reply