Jan 16 2010

Sa nakalipas na dalawang linggo

Tama ba spelling ko ng linggo? Or dapat lingo lang? Anyway, sa nakalipas na dalawang linggo, or 2 weeks ago, di ko namalayan na naka gastos na pala ako ng more than 100k sa pag online shopping sa eBay. Nung nakita ko ang widget na to sa my eBay page, ako ay nabigla!

Ang laki na pala ng nagastos ko two weeks ago. Kelangan ko na mag pahinga sa pag shopping sa eBay, or else, mamumulubi nanaman ako. Wah!


Nov 6 2009

161k Last Month

Nabigla ako na naka gastos pala ako ng 161k last month. Di ko alam at di ko inakala. Sana sinave ko nalang yun pang down ng condo. Yun kasi ang total sa billing statement ko sa BPI. Di ko akalain talaga na ganun pala ako ka gastos. waaaaaaaaaaah! I hate myself. I really really really hate myself.


Sep 23 2009

First Item Ordered at Apple Store Philippines

applestore-001
Finally! dumating na rin ang pinaka unang item na inorder ko sa Apple Store Philippines! At ang masaya ay hindi na ako nag bayad ng tax sa customs pag dating ng inorder ko. Hindi tulad ng binili ko sa HP.com dati, may 50 tax na… 50% ng worth ng binili kong item ang binayad ko sa mga hampas lupang taga customs. Pero yung first order ko sa HP.com walang bayad. Try ko ulit mag order sa Apple for the second time if sisingilin na ako ng customs. Pero sa palagay ko, wala naman silang isisingil, kasi hindi naman nilalagay ng Apple ang receipt sa package. Ini e-mail ng Apple ang receipt. Kaya wais at astig ang Apple! Continue reading


Aug 21 2009

Blu-ray Price tags in FullyBooked are fake!

Mag ingat sa mga price tag sa fully booked, kasi ito ay mapag linlang. Bumili ako nung isang araw (August 19, 2009) ng isang Blu-ray disc sa FB. At ayon sa price tag, ito po ay nagkaka halagang 1,500 Pesos lang. Pero pag scan ng cashier sa bar code, ang naka lagay sa database nila ay 1,800 pesos. Kaya tumawag ang cashier sa kataas-taasan para e kumpirma ang binili ko at kung ano talaga ang presyo neto.

bluray-disc

After nyang tumawag ay nalaman nya din ang tunay na presyo. Ang lahat ng blu-ray discs nila ay 1.8k pala! Hindi 1.5k! Lahat ng blu-ray discs sa 4th floor ng Fully Booked, Bonifacio High Street, Taguig, ay nag kaka halagang 1,500 Pesos! Pero ang totoo, ito po ay 1,800 pesos na! Tumaas at hindi sila nag palit ng price tags ng lahat ng Blu-ray discs nila.

Nakaka inis pero binili ko parin yung Blu-ray disc kasi gusto kong bilhin. Nag sorry naman si Miss cashier kaya ok lang sa akin. At tinanong if bibilhin ko parin yung Blu-ray disc kahit na tumaas ng 300 ang presyo at hindi sila nag update ng price tag.
Continue reading