Aug 21 2009

Blu-ray Price tags in FullyBooked are fake!

Mag ingat sa mga price tag sa fully booked, kasi ito ay mapag linlang. Bumili ako nung isang araw (August 19, 2009) ng isang Blu-ray disc sa FB. At ayon sa price tag, ito po ay nagkaka halagang 1,500 Pesos lang. Pero pag scan ng cashier sa bar code, ang naka lagay sa database nila ay 1,800 pesos. Kaya tumawag ang cashier sa kataas-taasan para e kumpirma ang binili ko at kung ano talaga ang presyo neto.

bluray-disc

After nyang tumawag ay nalaman nya din ang tunay na presyo. Ang lahat ng blu-ray discs nila ay 1.8k pala! Hindi 1.5k! Lahat ng blu-ray discs sa 4th floor ng Fully Booked, Bonifacio High Street, Taguig, ay nag kaka halagang 1,500 Pesos! Pero ang totoo, ito po ay 1,800 pesos na! Tumaas at hindi sila nag palit ng price tags ng lahat ng Blu-ray discs nila.

Nakaka inis pero binili ko parin yung Blu-ray disc kasi gusto kong bilhin. Nag sorry naman si Miss cashier kaya ok lang sa akin. At tinanong if bibilhin ko parin yung Blu-ray disc kahit na tumaas ng 300 ang presyo at hindi sila nag update ng price tag.
Continue reading


Aug 20 2009

MyAyala Customer Service Sucks!

MyAyala Customer Service Sucks! Oo, they suck! Pag may finallow up kang order sa MyAyala.com or MyRegalo.com at nag send ka ng email sa kanila. Walang mag rereply. Pag tumawag ka sa hotline nila, wala ding mag rereply.

Kung hindi mo e follow up ang inorder mo, aabot ng 2 weeks bago dumating sayo. Parang nag order ka na din from eBay US or UK. Ganun ka tagal, pero nasa Makati lang office nila. Parang ang layo layo pero ang lapit lapit lang po. Matagal lang talaga ang serbisyo ng MyAyala.com. Kaya kung mag o order kayo, expect niyo nalang na ma dedelay ng halos isang buwan ang inorder niyo sa MyAyala.com.

“Our customer service team is on call 24 hours a day, 7 days a week, except during Philippine holidays” day. Pero tumawag ako ngayon at walang sumasagot sa phone nila. Tsk tsk tsk. Bwisit talaga oh.. Nakaka bwisitttttt!

UPDATE: They don’t suck at all. Kasi dineliver nila yung item ko in just 1 day! Thanks MyAyala! :)