Nag Pagupit na Ako
Waaa.. ayaw ko ng bago kong gupit. Gusto ko ipa ulit kasi parang ang pangit pangit ng buhok ko. Pero ok na, maikli na. Hehe. Balak kong ipa ulit ito sa ibang barbershop. Di ko na gustuhan ang gupit ni Nards ng Bruno’s Barbers sa Glorietta 3. Huhuhu. Nagbigay pa ako ng tip. Di ko napansin na pangit pala gupit ko, kasi binasa nya yung buhok ko. Parang ok naman nung nasa barbershop pa, pero pag dating ko sa bahay, pumangit na bigla. Huhuhu.

Wala na akong sasabihin, kasi yun lang ang sasabihin ko. Nagpa gupit ako. Anong paki nyo diba? Buhok ko naman to. So dapat hindi ko nalang binlog kasi walang may paki alam. Kasi buhok ko to, hindi nyo to buhok. Itong buhok na to ay tumubo sa ulo ko kahit hindi ko dini diligan. Basta kusa nalang syang tumubo. After 1 year, nag pa gupit ako, at naputol na akong pina tubo ko kasi nga nag pa gupit ako.
Yun lang po. Huwag nyo nalang tong basahin kung sino ka man at kung binabasa mo to. Parang awa mo na, tigilan mo na ang pag basa ng blog na to kasi personal to. Personal na ginawa kong public. Kasi ayaw ko personal na naka tago. Para kahit saan ako mag browse ng internet, makikita ko ang blog na to kahit hindi ako mag login. Owkay? hehe
Yun lang po.. shuuu shuuu! alis! Paki click ng X sa upper right corner ng browser mo. Salamat!

June 25th, 2009 at 11:50 am
Ok naman yung buhok mo ah. Feeling ko lalo kang bumata sa bago mong look. Weeeee
October 9th, 2009 at 2:50 am
Alam mo, medyo baduy kang tao.
October 9th, 2009 at 2:58 am
ok lang baduy…. madami naman $$$$$$$$$ hahaha
October 9th, 2009 at 3:11 am
@james – hahahah!
@adel – oo nga eh.. baduy talaga ako
@micamyx – pangit! baduy! hehe.. e popost ko ulit bagong gupit ko now.
October 9th, 2009 at 3:19 am
hindi ako makaalis.. walang X sa upper right corner ng browser ko..
October 9th, 2009 at 3:22 am
@jp – naku. kelangan mag pa kabit ka ng X.. woooooot! hehe
October 9th, 2009 at 3:48 am
looking good tito Jeh
October 9th, 2009 at 6:09 am
wow bagong guppit ang gwapo naman ni jeh.. oi yung mug ko ha.. don’t forget.. ahihiihhi
October 15th, 2009 at 4:57 am
If earning thousands of dollars in a month goes along with that kajologsan, nako naman no, go na, san bang barberya yaN!