Paano?
Ang hirap pala! Kapag… alam mo na. Di ko na sasabihin, kasi alam ko na alam mo. Pero paano? Alam kong hindi pwede, pero kung gugustuhin ko naman, pwede naman. Pero dapat tingnan ko muna anong mangyayari at dapat iisipin ko muna ng mabuti kung ano ang magiging desisyon ko at kung anong mangyayari kapag nakapag desisyon na ako. Kelangan ko ba panindigan ang aking mga sinabi dati habang sinasaksak ng karayom ang aking sarili? Kelangan ko pa bang mag sayang ng oras sa landas na alam ko namang hindi ako sasaya? Kelangan ko pa ba to o hindi na?

Mahirap. Talagang mahirap. Hindi ko maintindihan, pero kelangan kong intindihin. Kelangan ko pilitin at kelangan kong idiin sa aking sarili kahit akoy nasasaktan. Marahil eto na wa ang aking kapalaran. Kelangan ko tong tahakin at harapin. Kung ano mang yari, kelangan kong mag tiis. Lumindol man o bumagyo, gumuho man ang mundo. Hindi dapat ako bibitaw, pero masaya ba ako sa hindi ko pag bitaw? O masaya ako sa bagong landas na nasa harap ko pero hindi ako makalakad dito sapagkat pinilipilit ko sa aking sarili na dapat gawin at panindigan ko ang mga dapat kong panindigan…
Paano?

September 19th, 2009 at 2:04 pm
OMG! OMG! OMG!
GAME ON!!!! ETO NA! ETO NA!!!!
FUll support ako!
September 19th, 2009 at 2:09 pm
full support sa ano? Di ko nga ma gets yang sinulat ko eh.. Random tagalog words lang yan.. ahihihi..
teka ma22log na talaga me.. nanayt.. hehe
September 19th, 2009 at 2:54 pm
Bigyan kita ng seven random English words…
choose, the, one, who, makes, you, laugh
September 20th, 2009 at 2:31 am
@Fitz – wah! naligaw ka din dito ah! hahahaha!
September 20th, 2009 at 2:37 am
Choose HER and we will be happy forever and ever until the day we die! Tell me where it hurts now tell me!
September 20th, 2009 at 2:38 am
@micamyx her? wala akong minention na her or him.. or kung ano man.. ahahaha