Nag Pagupit na Ako
Waaa.. ayaw ko ng bago kong gupit. Gusto ko ipa ulit kasi parang ang pangit pangit ng buhok ko. Pero ok na, maikli na. Hehe. Balak kong ipa ulit ito sa ibang barbershop. Di ko na gustuhan ang gupit ni Nards ng Bruno’s Barbers sa Glorietta 3. Huhuhu. Nagbigay pa ako ng tip. Di ko napansin na pangit pala gupit ko, kasi binasa nya yung buhok ko. Parang ok naman nung nasa barbershop pa, pero pag dating ko sa bahay, pumangit na bigla. Huhuhu.

Wala na akong sasabihin, kasi yun lang ang sasabihin ko. Nagpa gupit ako. Anong paki nyo diba? Buhok ko naman to. So dapat hindi ko nalang binlog kasi walang may paki alam. Kasi buhok ko to, hindi nyo to buhok. Itong buhok na to ay tumubo sa ulo ko kahit hindi ko dini diligan. Basta kusa nalang syang tumubo. After 1 year, nag pa gupit ako, at naputol na akong pina tubo ko kasi nga nag pa gupit ako.
Yun lang po. Huwag nyo nalang tong basahin kung sino ka man at kung binabasa mo to. Parang awa mo na, tigilan mo na ang pag basa ng blog na to kasi personal to. Personal na ginawa kong public. Kasi ayaw ko personal na naka tago. Para kahit saan ako mag browse ng internet, makikita ko ang blog na to kahit hindi ako mag login. Owkay? hehe
Yun lang po.. shuuu shuuu! alis! Paki click ng X sa upper right corner ng browser mo. Salamat!
