Bat kaya pinapahirapan ko lang ang sarili ko?
Di ko alam kung bakit. Pero pinapahirapan ko lang talaga sarili ko. Hmmmmmm.. Pwede ko naman hindi gawing advance ang relo ko, pero ginawa ko syang advance. Tapos iniisip ko ngayon kung ilang minutes ang advance. Katulad ng oras ko sa cellphone, 45 minutes siya na advance. So kung 1:45AM na, iniisip ko na 1:00 AM pa, kasi advance siya ng 45 minutes. So mag maminus pa ako ng 45 minutes para malaman ang totoong oras. Sooo.. So so so..? Ang dami kong so. amf.. So… useless ang pag advance ko ng 45 minutes kung alam ko naman na advance siya ng 45 minutes. Hindi parin ako mag mamadali kasi alam ko ilang minuto siya advance.
So bat kaya maraming tao ang nag a advance ng relo nila? or baka ako lang. Hmmm. Ikaw advance ba ang relo mo? Tapos mina minus mo kung ilan ang advance para malaman mo ang tamang oras? Kung katulad ko ikaw, wala tayong magagawa. Pero pag hindi ko ikaw katulad, ako lng ata ang may topak na pinapahirapan ang sarili ko. waaaaaaaaaah!
